ten nakakairitang tao sa mundo


maglalabas lang ng galit pero hindi sa inyo. kung tamaan kayo, sorry na lang. hindi ko intensyon na ipatungkol sa inyo ang mga opinyon dito. yun na nga e. opinyon lang. gawa lang ng taong minsan sensitive. hindi necessary na nasa rating and level ng ka-iritahan ang pagkakasunud-sunod dito.

1. KNOW IT ALLs
-
utang na loob! walang ni isang tao ang nakakaalam ng lahat ng bagay! kaya kung may alam ka at may nasabi akong opinyon na sa tingin mo ay taliwas sa paniniwala mo at pagkakaalam mo, pakinggan mo muna ako at malay mo baka isa itong mahalagang bagay na maaaring HINDI MO ALAM patungkol sa isang bagay.

2. BALAHURA pa kay nicole
- o ayan, na-set aside ko si nicolehyala alang-alang sa mga fans nyang tulad ko. well ibang uri ng tao ang tinutukoy ko dito. sorry muna sa mga babae pero kung alam nyong hindi kayo ganitong babae, deds lang muna.
sila ung papasok sa jeep or kahit anong pampublikong sasakyan na kala mo ay kanila ang mundo. nagtatawanan na sila bago pa man pumasok sa sasakyan. at sa loob ng sasakyan ay kala mo may contest ng palakasan ng boses at malalaman na ng lahat ng pasahero ang buhay nila. feeling close pa sila kay manong driver. ah basta, parang ang cheap-cheap tignan. minsan nga kung magsuot pa ng damit kala mo kinaladkad lang sa kung saan. malaki respeto ko sa inyo, mga kababaihan, tulad ng respeto ko sa mga babae sa pamilya namin. kaya irespeto nyo rin sarili nyo.

3. PRANK TEXTERS - or ewan ko kung ano dapat itawag sa kanila
- kung naghahanap kayo ng textmate, ok lang sana sakin pero kung magtext kayo at nireplyan ko kayo ng "hu u," utang na loob magpakilala kayo agad! hindi ako yung lalabas na iniinterview. kaya nga hu u e. saka sagutin nyo lahat ang tanong tulad ng: saan mo nakuha ang number ko, kaano-ano kita at kung ano ang kailangan mo. seryosong tanong nangangailangan ng seryosong sagot. yung iba dyan pamiskol-miskol pang nalalaman para lang sagutin yung text nila na hindi nireplyan. agaw pansin o kulang lang talaga sa pansin. naalala ko tuloy na merong nagmiscol sakin at nasabihan ko ng MAG-ARAL KA MUNA AT PASASALAMATAN MO PA AKO BALANG ARAW. e pano ba naman, wala raw syang magawa. e hindi ko na problema yun noh!

4, 5, 6, and 7. MR or MS FEEL GOOD
-
eksenang sasakyan ulit tayo. malaking konsensya sakin minsan (o ayan aminado ako na minsan lang a) ang hindi magpaupo ng babae sa MRT. pero diba may karo naman na para sa babae lang? wag na kayo magsumiksik sa ibang karo lalo na kung mag-isa lang kayo. tapos minsan yung iba dyan magrereklamo na namamanyak daw sila sa MRT. e pano pupunta-punta ka sa karo kung saan maraming lalake. walang magmamanyak kung walang magpapamanyak! pero hindi ako yung nagmamanyak a! e kung may buntis naman sa MRT papaupuin ko talaga. doble karma pa sakin yung bata sa tyan nya kung nagkataon. knock on wood.

- naranasan mo na ba yung humaba na braso mo kakapilit iabot sa driver yung bayad mo o yung sukli ng ibang tao kasi walang pumapansin sayo? sobrang kakairita! kahit na magsabi ka IN A VERY POLITE WAY ng "pakiabot po, bayad daw." leche! obvious na obvious na iirapan ka kaya minsan tuloy napasigaw ako ng ganun ulet hanggang may pumansin at iniabot yung barya. kung pwede ko nga lang sabihin na "gusto ko sya mag-abot" yoko lang ng eksena sa sasakyan. hindi kayo ganun kaganda para magkaroon ng special treatment. pare-pareho taung pasahero!

- lalo na cguro kung tinutulugan ka. alam ko maraming gustong bumawi ng tulog kasi puyat o stress. pero wag naman sanang bubukaka pa at kulang na lang maglatag na ng banig sa jeep.

- kung babae ka ulet at obsessed ka sa sarili mo, wag ka magsuot ng mini-skirt sa jeep. conscious ka naman palang baka may manilip sayo e. gagawa ka pa ng paraan para doble ng size mo para makaupo kasi dapat nakatagilid ka? hindi ka naman magbabayad ng doble.

- minsan si manong mismo! mga kabisyong tsuper, kung eestimahin nyo ang bilang ng tao na pwedeng makasakay sa jeep nyo, wag nyo gawing panukat ang mga bata o mga payat na tao! hindi lahat tayo sexy. purke kayo lang ng kunduktor ang maayos ang upo dyan sa harapan e sana isipin nyo rin na may ibang pasahero na tumbong na lang ang nakasayad sa upuan. kalahati na nga lang ng pwet din minsan. boundary lang pala usapan e magpa-sticker nalang kayo sa love radio para may libreng boundary sakaling mabunot pangalan nyo. hehehe...

8. PaCuTe Pa KaY ShAkEsPeArE
- sa mga anonymous textmates, HiNdI gAnItO aNg TaMaNg PaGsUsUlAt Na TiNuRo Sa EsKwElAhAn. kung sasabhin nyong may pinag-aralan kayo, gawin nyo ng tama. minsan hipokrito ako dito kahit nga dito sa blog na ito e halos puro non-caps ang mga nakalagay. cge effort na kung effort sa pagtetext. pero kung quotes lang naman isesend nyo, dun nalang kayo sa gusto makipag-textmate. sorry lang a. pero hindi ko ganun-ganun lang ipinamimigay number ko. sabi ng friend ko na baka si "kapalaran" na pala yung nagtetext e hindi ko pinapansin. well, ako na ang makakapagsabi nun hindi kayo. mag-abang na lang kayo kung sino dyan. hehehe...

9. ISTORBO
-
simple lang diba? gusto mo ba yung naiistorbo ka sa mga ginagawa mo? kung may kelangan ka sa akin at kelangan ng atensyon ko, mahinahong kalabit at tawag sa aking pangalan. papansinin naman kita e.

10. CAUSE OF DELAY
-
when making appointments be sure to come on time. narinig ko sa RX the other day on their topic on what to tell to those who come late, isang entry dun sabi: "ISA LANG YAN E, ANG TAONG LATE, WALANG RESPETO SA TAONG KAUSAP." e kayo ba gusto nyo ng binabastos at walang respeto sa inyo ang tao? pano na kung boss mo kausap mo in a very important appointment? papa-late ka ba? kabahan ka kasi your work is at stake. same thing sa mga boss. hindi purke boss kayo e ganun lang din un. sabihin na ng ibang lahi na ganito problema sa Pilipinas, pero totoo.

BONUS: PAKIALAMERO
-
agree? kung may mga pribadong bagay, wag pakialaman. ayaw nyo rin naman siguro na basta-basta papakialaman ang gamit nyo diba? ayaw nyo rin naman siguro na pag-isipan kayo ng masama na baka klepto kayo or magnanakaw, etc. pag may nawalang bagay kakapakialam nyo sa gamit ng may gamit.

so control lang, okay? pang-Tambalan itong entry na to a. hehehe...

Popular Posts