ukay pa rin talaga

kahapon matapos ang lagim tungkol sa isang siraulo na ikinalat ko sa net, nangailangan ako ng tulong dahil mahal naman cguro kung magpapaka-sosyal pako sa damit. kakasweldo lang pero paubos na. ayun, tinext ko ang college classmate kong reyna ng ukay na c cj. hehehe... tinext ko rin c joy dahil nagtanong ako kung strict business attire ba sa conference sa hong kong pagpunta ko dun or smart casual lang. sabi ni joy na smart casual lang daw, so i'm prepared! hehehe.. pero sa tingin ko kulang pa rin ang nakahanda kong damit para sa paglipad kasi baka malamig na sa HK that time. btw its on the end of the month at dun na rin ako magto-todos los santos.

napunta ako sa hansel arcade sa cubao. just my luck, 50% off ang selected items nila dun. i was looking for a coat sana kasi nga smart casual ang trip kong isuot sa conference. so i guess slacks, leather shoes at tshirt na tucked-in na pinatungan lang ng coat, walah! smart casual na ang damit ko. i found coats all right pero masyado silang malalaki. i also found this hardrock cafe hong kong tshirt pero it's not in the sale items sayang. so tiyaga pa rin sa paghahanap ng damit, i found this giordano violet sweat shirt (original ha. pero di ko alam tawag dun.) so sinukat ko at bagay! ang saya! 50% pa! hehehe... regularly priced at P150 and i got it for P75!!! i immediately texted cj and she got envy! lol... bili ko daw sya ng belt. hahah.. may patago ba syang pera? hahaha...

tuwang-tuwa ako sa accomplishment ko last night. so nilabhan ko agad ang gorgeous kong damit, na mejo body-hugger at kita ang hulma ng katawan kong sexy pag sinuot ko, para ensured ang kalinisan at para maplantsa na sya before i fly, fly, fly. hahaha... hinga lang ako ng malalim para d halata ang tyan. hahaha...

i'm loving ukay at nakapunta na rin ako dun for the first time na mag-isa. susuyurin ko ang susunod na ukay just nearby. hehehe..

Popular Posts