Halls pera sa wrapper promo


ako'y madalas bumibili ng strepsils para sa aking nangangating lalamunan mula pa nung 2 linggong nakalipas. at dahil ako'y naubusan ng strepsils kaninang umaga, sinubukan ko mag-candy muna sa tindahan sa may shuttle services. bumili ako ng 3 Halls na tigpi-piso bawat isa.

hindi ko iniisip ang promong ito pero nung pangalawang candy na ang binuksan ko, nakita kong lumabas ang letter A. hmmm... oo nga pala, may promo ang halls. buti nalang at hindi ko natapon ung unang candy na kinain ko and i found a letter L.

sa excitement ko ay binuksan ko na rin ang last piece. letter L din.

so sa may letters H and S dyan, team na tau. shempre 60 percent sakin. 3 wrappers ko e. hehehe...