taas-kilay ako!


kagabi ay nakita ko ang kabalahuraan kong c jouie sa tunnel ng Araneta Center. papunta ako ng Gateway at sya naman ay papunta na ng MRT. pareho na sana kameng pauwi kaso natigilan kame dahil kapag nagkita kame ay aatake na naman ang mga bunganga namin sa kakukwento tungkol sa mga bagay-bagay. matagal na rin naming hindi nakita c jouie. since nung nagpunta pa ata kame ng Nasugbu for our SDI barkada outing.

so kumain muna kame sa Gateway Food Express at umorder sa KimChi. susme ni hindi man lang ako naanghangan sa "Korean dish" nila na chicken and beef BBQ saka ginisang toge. shempre naexcite naman kame at dun lang din kame nagkita ulit kaya tinext ko agad c rio na magkasama nga kame ni jouie. ayun, habang kumakain ay walang-humpay na kwentuhan. shempre share ko sa kanya ung HK experience ko at pagbalik at sya naman ay nagkwento tungkol sa bago nyang work.

pagdating ni rio ay nagpa-dessert sya. (nakuha sa kantyaw. hehehehe..) so tuloy pa rin ang kwento ko sa HK dahil dun lang din kame nagkausap ni rio.
mejo natagalan kameng magkwentuhan at halos bilang na ang tao sa Gateway. naka-ilang CR na rin ako sa kakainom ng softdrinks.

hinatid muna namin c jouie kasi nasaraduhan sya ng MRT kaya hinatid namin papunta sa sakayan ng bus. pero paglabas namin ng Gateway, sa bandang Eurotel, may sumalubong samin na isang bata at namamalimos para may makain daw sila ng kapatid nya. iniwasan namin sya. sabihin man na masama kame pero pano ka maaawa sa isang pulubi na bihis-pamasko, may gintong kwintas at hindi gusgusin? luminga-linga pa ako at hinanapan ko sya ng kapatid. wala akong nakitang bata.

sa isip-isip ko, bakit ko sya bibigyan ng limos e kung ako nga hindi nkasuot ng gintong kwintas? nasan ang kapatid nya? at bakit parang isang babae ang nakaabang sa kanya sa ganung lugar? naramdaman ko tuloy na parang sindikato ang batang yun. mabuti narin at umiwas kame.

naihatid naman namin c jouie ng matiwasay sa sakayan at kame rin ni rio ay madaling nakauwi.