chismis bukas, dapat na ibroadcast!

well, cge aminado ako, kahit mejo contented na ko sa trabaho ko e naghahanap pa rin ako ng maayos-ayos na trabaho. yung tipong magagamit ko naman ang laman ko (ching!!) este utak pala para sa paggawa ng mga proyekto. hindi kasi ako nakukuntento sa paupo-upo lang. alam mo naman ako mejo active. hyper pa nga minsan.

nakakatanggap ako ng emails sa isang headhunter na pinamiyembrohan ko para makahanp ako ng trabaho. and lately ay nakatanggap ako ng email mula sa kanila na pinasa daw nila ang resume kong pagka-ganda-ganda sa isang kumpanyang naghahanap ng BRAND ASSISTANT; hindi ko alam ang trabaho nun pero i think parang shift of career ito. related naman eto sa degree ko. one afternoon ay naka-lerkeyan ko ang isang kapana-panabik na text mula sa isang hindi kilalang tao.

eto ang post:

Hi.you are invited for an interview on dec.8,sat. at 10am for the BRAND ASSISTANT POST.be here at 1414 mdical plaza bldg.amorsolo,cor.dela rosa sts,makati.behind makati med. bring resume.txbk your name to confirm.tnx.

(this is the exciting part)
-LADY FR HR BELO MEDICAL GROUP

whoa! hindi nga? BELO MEDICAL GROUP? e mas fan ako ni CALAYAN e. joke! kaya broadcast eto sa mga kalapit kong officemates na mejo sume-segue sa trabaho. hehehe...

pero maya-maya lamang e nagtext ulet ang isang d kilalang numero pero pina-move nya ang interview sa monday. haayyyy... sayang naman. wala na sanang conflict sa sked ng sat. eto nama't namroblema ako sa trabaho ko ng lunes. ehehehe... well bahala na. eto na siguro simula ng transformation ko hahahah... maraming kelangan paayos e. bwahahaha!!! gudlak nyo ako sa interview!

PS: ano ba talaga? Hayden Mho o Hayden Kho? bwahahahaha...