panahon ng lamon

nagsimula ng dec 14, 2007
sweldo. marami akong pera. dala ko ang mga gifts para sa christmas party ng office at exchange gift para sa sdi peeps. napagusapan na lunch out kame ng buong sdi. kulang si jr at arvin. late ata. si adie rin wala kasi naghahanap sya ng regalo para sa nabunot ni leigh. issue ito. hehehe...

sa shakey's MCS kame nakakain. umorder ako ng bunch or lunch at bottomless iced tea kahit inuubo pa rin ako. dpa nakuntento at umorder pa ako ng hero and salad. so ayun, pinanood nila akong kumain. eto pa nga yung pic. hahaha...


pagdating sa christmas party na ako ang host, gudlak! ayun, ibang caterer ata yun. pero usual pa ren ang mga nakain namin dun.

kinabukasan sabado, dec15.
nag outreach kame sa Manila Youth Rehabilitation Center para sa mga delinquent na dalagita. habang naghihintay at umorder kame ng ipapakain sa kanila sa jobee, sm manila, may libreng burger ang cardholder ng SM advantage. 2 burgers ang nakuha ni carissa. pero kinain ko un pareho. may libre pang jobee planner na naiwan ko naman kay ana.

hindi ako nakakuha kahit ng isang chickenjoy sa dala namin. para lang yun sa mga bata. pero enjoy ko yung buong activity. kahit tinaguri silang delinquent youth, may pagasa pa silang magbago. -- words from a philanthropist.

after namin sa MYRC ay nagpunta ulet kame sa SM manila para kumain. burger king. pero d ako umorder ng burger. nag-KANIN ako! then uwi na kame ni carissa pero nagsimbang gabi muna kame.

linggo, dec16.
may binigay si papa na 4 na tickets para sa children's party sa heritage hotel. pumunta kame ng ate ko saka bunso kong kapatid kasama ang pamangkin ko. una kame sa heritage at wala pa gaanong tao. pero nakita ko na ang mga kakainin namin. madami. yun lang.

nanalo pa ang pamangkin ko sa mga contest kaya marami din kameng nauwing chocolate from hershey's. 230pm natapos ang party ay bloated nako. pupunta pa kame sa megamall para sa birthday celeb ni mama.

habang naghihintay kame kay mama na may pinuntahan din palang kainan, natagtag na ang mga kinain ko kakalakad sa megamall. pero maya-maya ay pumunta kame sa bubbles (?) para uminom ng milk tea. taro ang inorder sakin ni ate.

pagdating nina mama ay kumain kame sa chowking. set b ang inorder namin. alamin nyo nalang kung anu un.

dec17, lunes.
pinang-order na lang namin ung mga cash prizes na napanalunan namin sa xmas party. lunchtym yun kaya mejo marami.


dec 18, taylor hicks day
nagpaka-fan na naman ako at feeling media. ayun, sinundo ako ni nherz dito sa office at sa hard rock cafe pa ang presscon. ayun, pagkatapos kong kumain ng sushi, fish fillet, spaghetti, vegetables at meron pang isa na dko alam ang pangalan, sya namang dating ni taylor. tignan nyo na lang ang mga pics and videos dito sa site.

Popular Posts