kinarma nga ba si Chris Tsuper?

o diba? chismis ito at nag-ungkat pa ako ng buhay ng iba! lol

kanina kasing unang tambalan segment (around 730am), may nagtext kasi kung iiwan nya ang lalaking sinasaktan sya. so at any point biglang may nakuwento si chris tsuper tungkol daw sa isang "kaibigan" na lumakad patungong altar pero umiiyak hindi dahil sa tuwa pero nagdadalawang-isip sya. so nalungkot din ang nicole hyala dahil kilala nya din daw ito sabi ni chris tsuper, in a way. so nung second tambalan segment (around 830-9am), naungkat ulit ang topic na yun at biglang segue ni chris na: "For the first time in tambalan history... girlfriend ko." inamin nya bigla! after 3 years ng tambalan, at sa pagkaka-alam ng marami, wala syang girlfriend! Malungkot pa nun, girlfriend nga ni chris tsuper ang kinasal na babae dahil buntis daw sa ibang lalake. Laking panghihinayang ni nicole at chris kesyo marami na raw naipundar si chris na hindi alam ng babaeng yun, pagkakaalam ng mga magulang nila na sila na ang magkakatuluyan sa 7 taon nila bilang magnobyo.

laking inis din ni nicole kasi after all these years na wala syang syota, may hidden gf pala ang chris tsuper! e hindi naman daw kasi showbiz ang gf ni chris tsuper. although cool-off pa nga daw sila dahil si chris tsuper nga daw ay si chris tsuper. ayaw nitong masabit sa public life ni chris tsuper. ayun, sabi ni nicole na karma nga daw yun sa kanya kasi tinago-tago pa nya.

so nung panahong nasa SM Clark sila, yun ang mga panahong umiiyak ang gf ni chris tsuper at naghihinagpis sa pagpapakasal sa lalaking di nya mahal.

Popular Posts