Para sa mga Anak... Isang mensahe.

Sa aking Anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon
ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo
sana akong kagagalitan. Maramdamin ang
isang matanda. Nagse-self-pity ako sa
tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi
ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag
mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya
ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang
tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa
iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako
man ay nagiging makulit at paulit-ulit
na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit
mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang
kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang
aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim
ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil ito ng
katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa
mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y
magkakasakit at maratay sa banig ng
karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa
mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap
ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong
ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong
ama't ina...

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
this was shared by the Tambalan this morning. it was also shared by Fr. Jerry Orbos on the Maundy Thursday mass last year. grabe naiyak talaga ako. natakot tuloy ako what if mawala ang parents ko. huhuhuhu...

Popular Posts