April 29, 2008

SYNC: TWO Dance Groups. ONE Stage


A Stylettos and XFX Dance Collaboration.

May 10, 7pm at the HENRY LEE IRWIN THEATRE, Ateneo De Manila University

With Special Guests:
Company Of Ateneo Dancers Brigada Manoeuvres
P150
for tickets call/text jon @ 0915.904.3870

free advertisement

April 28, 2008

Blog Event of the Month: KANIN!

marami nang nagugutom. tumataas ang bilihin. walang trabaho.

mga problema nga naman talaga ng pilipinas hindi na natapos. buti nalang at hindi masyado mainitin ang ulo ng mga pilipino sa halip yung iba kaya pang gawan ito ng joke. pero sana matauhan naman ang lahat na hindi naman sa lahat ng pagkakataon e aasa sa gobyerno. sana din naman e makonsensya ang mga negosyanteng kumokontrol sa supply ng bigas para lang makakuha ng malaking halaga.

mungkahi ko sa mga pilipino:
  1. magandang trabaho ang pagsasaka. at ito ang dapat pangunahin nating kabuhayan. malalawak ang mga lupain, sagana ang ating likas yaman at onti lang ang ating magsasaka. kung walang magsasaka, tayo ang nagugutom. mas marami tayong produkto, hindi na tayo masyadong aangkat ng ilang pangangailangan na may kapalit na malaking halaga.
  2. masanay tayong magtipid. naalala ko ang isang sinabi ng isang mahirap na inere sa radyo: bakit ang mayayaman, kumakain ng marami pero nagkukumahog magpapayat? may punto sya. kung hindi tayo nagsasayang ng pagkain at sa halip binibigay ang sobra sa kanila, bababa ang porsyento ng nagugutom.
  3. wag masyadong umasa sa gobyerno. oo nga't nilagay natin sila sa pwesto, pero ang trabaho nila ay ayusin ang anumang gusot. (na malamang e tayo rin ang may-gawa) maghanap tayo ng ikabubuhay, pwede tayo magtanim sa mga bakuran, makibahagi sa mga LEGAL na pamamaraan.
  4. family planning. kung pwede nga lang gawing 2 anak kada pamilya, hindi na kasi uso yung palakihan ng lahi. alam naman nating mahirap ang buhay diba?
  5. bumalik sa mga pinanggalingan. kung wala tayong mapuna dito sa Maynila, maaari namang bumalik sa mga probinsya at dun magtrabaho. kahit papano e magkakaroon ng mga panibagong magsasaka.
sana naman umahon na tayo. lagi nalang kasi siraan e kaya walang nangyayaring matino.

koleksyon ng tuff payb

tuff payb senyales na wala nang pera ang tao

5. nagsasangla
4. mxadong mainitin ang ulo
3. mxadong mabait
2. diet
1. makikipagkaibigan sa bakla/ makikipagkaibigan sa DOM

ibat ibang klaseng manliligaw

5. mr. gwaping - gwapo, mayaman, kilala, may kotse
4. mr. quickie - kada magkikita kau, "kelan mko sasagutin?"
3. mr. stalker - makulit sa text
2. mr. salesman - mambobola
1. mr. good dog - payag magpaalipin

rason kung bakit masaya ang may karelasyon

5. lagi kang nakakanood ng sine
4. kahit nasa bahay ka lang kapag gimik night, hindi ka nalulungkot
3. may magtetext sayo 3x a day
2. may ka-babytalk
1. when you love someone, everything is beautiful.

rason kung bakit masaya maging single

5. you're free to date anyone
4. may time for family and friends
3. napa-priotize ang mga kelangan sa buhay
2. hindi ka praning sa telepono mo
1. hindi ka naprepressure na dapat lagi maganda ang underwear mo.

mga rason kung bakit umaabsent sa work

5. may LBM, dismenorrhea, etc.
4. transport strike
3. binaha
2. may susunduin sa airport
1. namatay ang lola/lolo

mga epekto ng alak

5. madaldal
4. laughtrip/ crying trip
3. natutulog sa suka
2. naghahamon ng laway
1. nilalandi ang type na kainuman

April 24, 2008

insatiable socialite daw ako?

well iyan ang sabi ni Iggy sakin. hinanap ko talaga separate meanings ng mga word na yan para malinawan ako kung pano ko iintindihin yung description nya sakin. since ni-tag nya ako, kelangan kong gawin ito. since wala pa naman masyadong laman ang blog ko, (dahil na rin sa firewalled internet, 'NYEMAS!) I'll bring to you my Tuff 10 songs of the 90's. I'm a big fan of pop from the 90's kaya hindi nyo ako masisisi...

10. Born for You - David Pomeranz
hindi ko sya gusto; deds kung di nya rin ako gusto. hahaha... lagi ko kasi naririnig yang kinakanta ng HS classmate ko at ginatungan pa ng Values teacher naming si tita dang (hindi tunay na pangalan). at first mejo exciting pa yung pagdating ni David Pomeranz dito sa 'Pinas pero parang weird na yung pabalik-balik nya dito at paggawa ng album. Wala na ba syang career sa Vegas?

9. Thalia Songs (lahat ng OST)
fan ako! bakit ba? hehe... tuwang-tuwa nga ako nung nagpunta sya sa Marikina while we are having an event there sa ilog. nagtanim pa nga sya ng puno sa Riverbanks. nakatayo pa rin yung puno pero yung batong may nakaukit na pangalan nya, tinanggal na after nung Thalia craze.

8. Rollin' - Limp Bizkit
love the high energy while this was played sa JS namin. lahat bigay na bigay ata sa steps nun.

7. Without Me - Eminem
salamat sa Myx at mejo na-memorize ko tong kantang to. usong-uso kasi yung mga rap ni eminem na tongue twisters. ;)

6. Can't Touch This - MC Hammer
booty shakin' while following Cameron Diaz sa Charlie's Angels 2. I hope you know the scene. Kahit mukhang 80's yung suot ni MC Hammer sa video, ok lang.

5. Lead Me Lord - Gary V.
ewan ko lang kung tama yung singer ha, i think this was way older than 90's. pero 1 thing sure, NOEL CRUZ version. and since kinakanta rin namin sya sa choir nung HS, isama narin ang Awit ng Paghahangad. hindi naman may pagka-inspirational ang kantang to noh? gusto ko lang yung part na birit na. hehehe...

4. Bakit Ngayon Ka Lang - Freestyle
uuuuuyyyy.... emo! pero duh! napurga ako dito ha. kahit saan ako pumunta tinutugtog to. tapos ilang weeks ata sya naging number 1 sa Myx!

3. Koibito Ga Uchijin Nara (If My Lover was an Alien) - Mojacko End Theme
i love the "moja-moja" chuwariwariwap! hahahah... i sometime had this fascination of anime, the playful ones. pati rin naman themesong ni lolo Doraemon gusto ko din. hehehe...

2. Say You'll Be There - Spice Girls
1... 2... 3... GIRL POWAH! first favorite song from the Spice Girls kahit parang hindi related yung video concept sa kanta. hahaha...

1. Leaving on a Jetplane - Chantal Kreviazuk
the only song i've mastered on a guitar. dahil super simple lang ng chords with a D-G-D-G-A. also featured sa Armageddon which was also one of my favorite songs. saka kapag naalala mo sya e kakantahin mo talaga.

so i would like to pass this tagging thing to:

April 22, 2008

ikinatuwa ko talaga ito


Diba nga't nangulit ako last week na manood kayo ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Saturday. One thing to be rejoicing about is that that episode was Number 1 in primetime viewing in that day.

April 19 (Saturday)

Daytime:

  1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 24.7%
  2. Wowowee (ABS-CBN) - 17%
  3. Wish Ko Lang (GMA-7) 15.2%
  4. StarTalk (GMA-7) - 14.9%
  5. Takeshi's Castle (GMA-7) 14.6%
  6. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 14.1%
  7. Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN (ABS-CBN) - 9.2%
  8. Entertainment Live (ABS-CBN) - 7.5%

Primetime:

  1. Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7) - 28.7%
  2. Bitoy's Funniest Videos (GMA-7) - 26.1%
  3. Imbestigador (GMA-7) - 23%
  4. I Am KC (ABS-CBN) - 20.8%
  5. Pinoy Big Brother Teen Edition Plus (ABS-CBN) - 20.1%
  6. Pinoy Idol (GMA-7) - 20%
  7. TV Patrol World (ABS-CBN) - 14.7%
  8. 1 vs. 100 (ABS-CBN) - 12.6%
  9. XXX (ABS-CBN) - 12.4%
  10. Nuts Entertainment (GMA-7) - 11.7%
From source

I'm not taking the credit for the success but it was really a good program. Salamat sa mga sumuporta: sa family and relatives, friends, officemates, online buddies, etc.

Kahit nakita nyo akong unti-unting na-haggard sa portion e I think I have supported the show in the best of what I can do. (Naks, artista!) Hahaha...

O Al, congrats sa show nyo!

April 17, 2008

exposure na naman!

Alberto Beronio (di tunay na pangalan), kasalanan mo 'to! Isang kakalurkei na kaepalan na naman ang matutunghayan ng madla na ako'y isabak mo sa inyong proyekto sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Lalabas na naman ako sa TV at ngaun hindi na lang ako hahanapin sa eksena dahil AKO ANG EKSENA! Mula bahay ay inabangan na ako ng staff nyo, kahit bihis na ako ay akting na akting pa rin ako sa eksenang kakagising ko lang. Pagdating namin sa hintayan ng shuttle ay laking taka ng mga propesyonal na nakapila sa Marikina. Akala namang kung sinong artista (ehem!) ang magshu-shooting. Pati mga gawain ko sa buong araw ay nakatutok ang camera. Ultimo pagsubo ko ng pagkain nung tanghalian e dokumentado. Pati sa MRT kasama ko sila. Eksena talaga ito!

Gudlak na lang sa akin kung may ihaharap pa akong mukha.

PS. Lol (sana matagal ang ere at pagusapan natin ang TF!)

April 16, 2008

Tuff Payb

Most Embarrassing Moments:

5. Nabaligtaran ng payong
4. Bigay-todo sa pagkanta pero iba naman pala ang lyrics
3. Todo-porma nang biglang madudulas
2. Mautot sa madla
1. Tumulo ang sipon habang nakikipag-usap sa iba

Mga dahilan kung bakit hiniwalayan ni BF c GF:

5. Nagger
4. Masyado mahigpit si girl at nakakasakal na
3. Maraming bisyo si girl
2. "Mahilig"
1. Late bloomer si boy at na-realize nya na ibang boy pala hanap nya. lol

Disguise/ Palusot ng mga commuters pag walang pambayad:

5. Sabit sa jeep kahit maluwag pa sa loob para makapag-1-2-3
4. Bibo sa pag-abot ng bayad
3. Pag malapit na sa babaan, kunwari magtatanong ng ibang ruta para mapalagayang "naligaw" sya pero ang totoo ay dun talaga sya bababa
2. Magtutulug-tulugan
1. Magkakaroon ng kausap sa cellphone at dedma sa pagkalimot na hindi pa sya bayad dahil busy sya sa kausap nya sa phone.

April 10, 2008

Heredero y Herederas del Chateau Escudero

An outing with officemates from TBN. At first hindi ako pumayag kasi nag-iinarte pako sa dami ng utang ko sa credit card. Pero nag-message naman si Joy na kung saan maga-outing. Sa Villa Escudero nga daw. E ako naman mejo alanganin kasi ang alam ko mahal dun. Nagplan na pala sila before pa ako pumunta ng Boracay. They were still hoping that I would come kahit last minute na ang announcement.

A week before e napag-usapan ulit ang Villa Escudero and Joy was sending GMs sa YM. Then I got interested kasi she sent the link to the resort. She also sent the expenses na I thought na napakamura na nya. We would only be spending about Php 3,000 for our stay and van rent. Balikan pa un. So sabi ko sa kanya na sulit! Go na! We were all excited na. But Sharnie and Jeff couldn't come with us kasi hindi sila pinayagan ng parents nila. So it was only me, Joy, Mich, Tins and Ging who will be going sa outing.

04.05.08
We decided to meet at 1PM sa McDo sa may DLSU Taft. And then we will go fetch Joy sa APC after her class on webdesigning. Late ako. hahaha... Kahit maaga na akong nag-empake ng mga gagamitin ko e marami namang ibang ginawa sa bahay like maglaba, magluto at mag-lunch, ayun ang dahilan kung bakit ako na-late. Mejo dyahe pa ngang humiram pako kay mama ng 2k para may panggastos ako pagdating ko dun. Nasa loob na pala ng starex sina Ging pero pumasok pako sa McDo sa pagaakalang nandun pa sila sa loob.

Then sinundo na namin si Joy sa may gasoline station sa APC at bumili muna ng groceries sina ging, mich at tina. Pinagasolinahan ko muna yung sasakyan para derecho na ang byahe namin. Pagdating ni Joy e todo-kwento sya sa prof nyang British na gwapings daw. Natrapik kame on the way at nakinig sa latest chismis about sa pagdating ni Gabby Concepcion sa Pilipinas. Halos buong Startalk ata e yun ang topic.

Pagdating namin sa San Pablo e Wish Ko Lang na. May 5-6 na simbahan din ata ang nadaanan namin papunta dun. Para iwasang mawala, nagtanong-tanong kame sa mga locals ng San Pablo. Yung una naming tinanong e medyo nautal kaya bigla nalang humirit si Erwin (pangalan ng driver) na thank you, thank you sabay takbo. Yung sumunod sabi diretso lang daw pero ang direksyon ng kamay nya e paliko kaya parang ang labo. Habang tinutunton namin yung turo ni manong, nakasalubong pa namin isang prusisyon kaya medyo trapik. Hindi boring magdrive si Erwin kasi magaling syang sumingit sa daan kahit kalaban nya mga trak.

Sa wakas nakarating din kame sa Villa Escudero ng mga 530PM. Bondary sya ng San Pablo, Laguna at Tiaong Quezon. Maaliwalas ang lugar at parang hindi summer kasi hindi gaano mainit. Pagdating namin dun sa reception pwede naman pala magcredit card. Edi sana nagswipe swipe nalang ako para sosyal. Hehehe... Kita mo na rin dun sa bungad yung bahay ng mga Escudero, yung plantation, yung antique museum at saka may malaking park dun na may mga batong kabayo saka fake na airplane. Pwede kayo magpicturan dun habang hinihintay nyo ang kalabaw o jeep.

Pagsakay namin ng sasakyang hila ng kalabaw na si Maganda, may kasama pang duet na maghaharana sayo papunta sa resort. In fairview alam ko ang mga kanta. Hahaha... Mga folk songs kasi na napag-aralan pa nung HS at mga naririnig ko dati nung nagpupuyat ako pag nanonood ako ng Aawitan Kita ni Armida Siguion-Reyna. Hahaha... Shempre medyo sumasabay naman ako kasi nga alam ko yung mga kanta. Corny ko naman kung KJ ako diba?

Pagdating namin sa resort e dinala kame sa Jasmin Room. Maganda. Dun na rin kame nagprepare before mag-dinner. Paglabas ko ng room e nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na umaawit alay sa isang dalagang nasa tahanang iyon. (hahaha... lalim!) Sabi ko tuloy sa mga kasama ko na bilisan nila ang pag-aayos at may mga manghaharana. Very cultural ang lugar kaya hindi ka makakalimot na Pinoy ka. Maayos at mabango ang room at hindi pinapasok ng lamok. In short, makakatulog ka anytime. But since medyo magaalas-7 na at oras na ng dinner, kelangan na magmadali at baka maubusan. Hehehe..

Ang daming pagkain! Nahilo ako sa kung ano ang pipiliin. Pero small servings muna dahil pwede naman bumalik at saka kelangan sulit ang 3000 na binayad mo! hahahaha... Though regular Filipino dishes e twisted naman. May harana pa on the side with Villa Escudero's Rondalla. As usual nakasabay na naman ako at muntik-muntikan na rin akong mag-grab ng mic para makasabay. hahaha...

Nung nabusog na kame ay talagang nagtanong c Mich kung meron daw bang videoke dun. Meron naman daw at Php10 ang bayad per song. Ihahatid pa sana kame ni kuya sa RecHall pero nahiya naman rin kame. Kame nalang nag-explore at nakarating naman kame dun. Mejo onti ang tao. Literally bilang ang tao. Meron kasi sa billiards na 5 ata, kame 5 rin, tapos ung staff na 5 din. Hahaha... May dumating na iba pero 2 lang ata.After nun nagpahinga na lang kame sa may reception area para magkwentuhan at magpicturan sa jeep na nakaparada. By 1230AM, bumalik na kame sa room namin saka natulog at nagcharge mga dapat i-charge.

04.06.08
Alam kong nag-charge ako ng 515AM para maaga din kameng makapag-liwaliw sa Villa. Pero ang makulit na Omar, natulog ulit. Hindi pa talaga ako nakakabawi ng tulog. At next na gising ko, ginising na nila ata ako ng 630. Gawa na lang ako ng palusot. Pero paggising ko, laging occupied ang banyo kaya hindi ako makapaghilamos man lang kaya tumambay muna ako sa labas para magpicture, amuyin ang sariwang hangin, at kahit papano amoy na rin ang nilulutong pagkain sa kusina. Nagpaaraw na rin ng onti dahil malamang e sipunin ako.

Pagdating namin sa Coconut Pavilion e langhap na namin ang sinangag at mga mainit-init pang mga putahe na nakahain sa lamesa. Dun pa sa mainit na pwesto kame hinatid ng waiter at malapit sa ilog. Pero di na alintana ang init at kami'y excited sa aming kakainin sa umagang iyon. May nakita pa kameng magandang aso na pagmamay-ari ng isang foreigner. Pangalan ng aso'y Scotty. At masunurin sya sa kanyang amo at giliw nyang hinihintay ang mga ibibigay sa kanyang tinapay o karne.

Maya-maya nakaramdam nako ng tawag ni Inang Kalikasan. buti nalang dinamihan ko kain ko para maganda ang signal ng communication namin. Hahaha... Ayun, successful naman. Tapos nagpunta na kame sa Lawa ng Labasin na hindi naman lawa kundi ilog. Excited ako kasi magrarafting kame. Kaso 2 tao lang kada balsa. E 5 kame at puro babae kasama ko. So kinaya ko nalang na ako lang mag-isa sa isang balsa pero kinabog ko silang lahat. Ako pa nga ang nagtulak sa kanila para makalayo sa pampang. Tapos ako rin unang nakalayo. Feel ko ang sexy-sexy ko at parang ako si Richard Gomez sa ever popular na /bench ad.

Bumalik kame sa Jasmin para magrefresh ulit at magpicturan sa room pero hindi nyo dapat tignan. Hahaha... At next adventure namin ay magstroll sa hacienda. Paglabas namin ng reception ay nagpatawag sila ng kalabaw. Dumating si Sexy pero hindi pala kame sa kanya sasakay, tapos dumating si Rosalinda. Tamang-tama may mga calachuchi ang mga gels sa tenga nila parang si Thalia. Una naming napuntahan ang bahay namin (ehem!). Ang ganda pang-telenovela. 1932 unang tinayo ung bahay ng mga Escudero at ikatlong henerasyon ang nakatira dun sa ngayon. Buti nalang pwede magpapicture hanggang sa ilang metro paglagpas ng gate. Nung may nakakita sa amin na nagpipicturan sa bahay e gumaya na rin kaya nawala yung pag-emote-emote namin dun. Hahaha... Kitang-kita ang Banahaw sa likuran ng bahay.

Katabi ng bahay ang kapilya na ginawang museo ng mga antique. Nandun ang mga iba't ibang damit, kagamitan, santo, preserved na hayop, atbp. Kahit sa kaluma-lumaang panahon e makikita mo dun donated ng mga sikat na mga personalidad. Mga koleksyon ng bato, tanso, palayok, alahas, damit. Bawal magpicturan dun at makikita ka sa surveillance camera. Hindi ko alam kung bakit pero hindi naman nila kinuha yung mga dala naming camera pagpasok ng museo. Meron namang tour guide dun na nagexplain ng mga pinagmulan ng mga bagay-bagay dun. Kabisado pa nga nya yung love letters ng unang mag-asawang Escudero. Chismosang bata. Hahaha...

Pagbalik namin sa resort e kainan na sa Lawa ng Labasin. Dun sa falls maraming tao. Kala namin di na kame makakakain kasi dagsa yung mga tao para sa day tour. Tutal buffet na naman e talagang dadagsain. BBQ, isda, vegetable salad, pansit, etc. Ang dami pa rin! Para kameng bibitayin kinabukasan sa dami ng kinain namin. Biglang nagbabaan ang mga Igorot! Hahaha... Magpeperform ng cultural show ung mga un sa Coconut Pavilion so kelangan nila magpromote ng show. E sila rin ung mga nanghaharana, nagrorondalla, etc. C mich naglaway nung pagbaba nung mga naka-bahag. Hahaha... Parang 300 local version nga lang. Pero ako, c tina, c ging at c mich lang ang nakapagpa-group pic kasama cla. Pero c joy may solo pic! Si kuya naman e naka-smile talaga at mukhang sanay na sanay na. Hahaha...

Then swimming na! Nagpalit muna sila ng swimwear at ako at nagtanggal na lang ng sando. Tapos dun kame sa 5-ft na pool muna. Hindi kame nakapagpa-pic dun so punta kame sa 4-ft na pool. Mejo ok naman kame dun. Kinarir na rin namin ang timer ng camera ko. Ayun, nag-enjoy naman kame. Tapos pahinga at kumain ng chicha. Pinuntirya namin ni joy ung slide pero walang kwenta. Kame na rin mismo ang tumalon. Hahaha... By 330PM e umahon na kame at bumalik sa room para magbanlaw. And since "ladies first", ako na ang huling naligo at naabutan pa ng housekeeping. Sa pagmamadali e nagsabon nako habang nagsshower. Pero nakaempake nako nun kaya mabilis na ako nakapagprepare. Nakapag-uwi pako ng sabon na gawa dun kasi may sobra sa lababo na hindi nagamit. Hahaha...

May ikakasal nung hapong yun. Green yung theme sa pagkakaalala ko. Yun pala ang hindi namin napuntahan, yung chapel. Dun kinasal sina Lorna Tolentino at Rudy Fernandez. Tapos ninamnam na rin namin ang mga huling sandali sa Villa Escudero. Kay Rosalinda ulit kame nakasakay. Ang ganda ng breed ni Rosalinda talaga. Shiny leather ang katawan nya. Tapos napadaan kame sa kumpanyang nangangalaga ng Villa Escudero, ang VESPA. Hmmm... Applyan na! Hahaha...

Paglabas namin e nakita naming nasa gallery ang mga pictures namin. Sabagay nakikipicture si manong photographer nung nasa harap kame ng bahay. At naghihintay na rin pala si Erwin, ang aming driver. Idinaan muna namin si Tina sa may exit ng Laguna para sunduin sya ng parents nya papuntang Lipa. Then kwentuhan nalang kameng mga natira sa sasakyan. Mga bandang 8PM nakauwi nako. Haaay... Ang saya!

Tuff Payb dose muna

Tuff Payb na reaksyon pag malelate kana:

5. sisisihin mo ung mga tao sa bahay kung bakit dka ginising.
4. hindi kana maliligo or breakfast
3. hindi kna mamimili ng sasakyan. sasabit ka kung posible.
2. tingin ka ng tingin sa relo at galit k sa driver pag nagpagasolina.
1. pagdating sa office proud ka dahil ikukwento mo ang detalye kung bakit ka late.

medyo can relate ako. hahaha...

Tuff Payb na dahilan ng mga mangungutang:

5. kasi nabitin ang budget kundi mapuputulan ng kuryente o mapapalayas.
4. pang-tuition
3. lugi sa sugal
2. maysakit ang isang member ng family
1. para magbayad ng isa pang utang

di ko nagamit ang mga linyang yan!

Tuff Payb turn off sa partner or sa kahit sino

From Nicolehyala:
5. marumi ang kuko
4. nagtitinga or nangungulangot in public - major gross naman ito
3. talsik ang laway at maingay kumain
2. may putok
1. bad breath

From Chris Tsuper:
5. pangit ang buhok
4. bakbak ang manicure
3. baduy manamit
2. maitim o may buhok sa kilikili
1. bad breath

April 8, 2008

I've just thought...

WORDS TO PONDER FROM ALLAN K:

Kung mamamatay ka na bukas...

... BAKIT HINDI PA NGAYON?!

April 4, 2008

Sana inabangan nyo


Napanood nyo ba?

Umere na kagabi at kaninang madaling araw ang episode ng 100& Pinoy na inepalan ko. Tungkol yun sa kung masaya ba ang isang tao at ano ang nakapagpapasaya sa kanya. Salamat sa nag-confirm na nakita nila ako: vincelopez, dhomz at janah. Kahit nagpuyat si nherz, hindi naman nya ako nakita. Kahit sinabi ko nang hanapin ang yellow shoes, e ga-tuldok naman yun saka super sandali lang sya at wide shot pa namin yun with Joaquin Valdez. Tawa nalang ako nang tawa kasi nung nag-pan yung shot sa amin, nakita ko pa sarili kong kumindat sa camera. hahaha... Showbiz.

Btw, read the whole story here and watch the video here. Kaso nga lang, hindi ako makikita dyan kasi kahit opening yung part namin, yung inupload lang sa site e naka-cut na ung amin. So preview lang yan.

Pag na-miss nyo yan, che! Haahaha...

30 things on my schooling

30 things when I was studying:

1. ANO ANG STUDENT NUMBER MO? 2K1-20792-8
2. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE? Architecture/Fine Arts
3. SECOND CHOICE? Math
4. ANO COURSE KINUHA MO? Advertising and PR
5. NAG-SHIFT KA BA? No
6. CHINITO/CHINITA KA BA? May nagsasabi
7. NAKAPAG-DORM KA BA? Nope.
8. NAKA UNO KA BA? Yup yup!
9. NAGKA-3? Nope
10. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE? Yup pero may times na hindi. Pero onti lang un. Hehehe..
11. MAY SCHOLARSHIP KA BA? Wala
12. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO? Lahat. Dko alam kung ilan yun e.
13. NANGARAP KA BA NA MAG-CUM LAUDE? Hindi pero nangyari.
14. FAVE PROF: Sa majors ko
16. WORST PROF: Briones
17. FAVE SUBJECT/S: Advertising Subjects
18. WORST SUBJECT: Salesmanship and Marketing 1
19. FAVE BUILDING: Main building
20. PABORITONG KAINAN: Yung kwek-kwekan. Hehehe...
21. MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP? Dipa uso student fare nung 2001-2005
22. LAGI KA BA SA LIBRARY? Di masyado.
23. NAGPUNTA KA BA SA GUIDANCE? Nung elem. Parang student assistant ako dun.
24. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS? Oo naman
25. ANU ANO MGA NGING P.E MO? Judo Karate, Basketball, Badminton, Social Dance
26. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO? Okay lang.
27. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG? Oo.
28. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM? Hindi
29. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM? Oo naman. Hehehe...
30. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER? Oo. Pero nung HS umiinom nako. Gin-Pomelo pa nga. Hahaha... Ay nung Grade 6 pala, flavored lambanog! Hahaha...

April 3, 2008

I want money!!!

napanalunan na nga daw ung Php 200 million sa lotto. thanks to those people who contributed to accumulate this amount. shempre natanggal na dun ung mapupunta sa charity. charity din naman ako a. lol. gusto ko lang ng pera. siguro yan ang iniisip ko sa ngaun kasi hindi na ako masaya dito. di pa naman makapagresign kasi wala pang lalapagan ang lipad na ito. i mean, hindi pa rin naman ganun katayog ang lipad ng career ko. ako nalang gumagawa ng paraan on living it up.

para naman magkaroon ako ng extra, nagventure na rin ako sa business. kaso mejo lie low muna kasi bc ang mga supplier. pero eto mga binebenta ko:
order naman dyan! gusto ko ng maraming maraming pera! lol


Tuff Payb dose:

Tuff payb na ginagawa ng empleyado pag nahuli ng boss na nagchichismisan sa working hours:
  1. dampot ng phone kunwari may tinatawagang importante
  2. maghahalukay ng folder kunwari may hinahanap na records
  3. kunwari may tinatype sa PC
  4. idadaan sa ngiti at magbbring up ng isang topic na related sa work kahit hindi na interesante sa bossing
  5. kapag nakatulog, hahawak ng ballpen kunwari may sinusulat.

nood kayo mamaya

mamaya, after Saksi, 100% Pinoy.
nandun ako, parang extra sa opening.
hanapin nyo na lang ang dilaw na shoes
parang nagiging part na ito ng maepal kong life.

eto ang dahilan kung bakit ako absent nung April 1.
pero deds lang un, gusto ko lang magpahinga.
forced leave naman e, ayan tikman nila.
hahaha...


April 2, 2008

Earth Hour succesful in the Philippines



On March 28 2008, the lights of Manila were turned off in support of Earth Hour. Not only in Manila, but the whole nation has supported this activity for Mother Earth to conserve energy. Various cities have cooperated with this activity like Makati.

Tuff Payb dose:

Tuff payb na ginagawa kapag naiwang mag-isa sa bahay:
  1. Natutulog ng walang saplot
  2. Nagpapakaplastik at naglilinis ng bahay
  3. Tatawagin ang barkada at mag-iinuman
  4. Manonood ng porn
  5. Tatawagan ang jowa
Tuff payb na eksena na pagpapahirap sa bida sa ending ng pelikula:
  1. Superhero ang bida na magkakaroon sya ng powers at malalaman ito ng kontrabida
  2. Biglang manghihina ang bida at mamamatay sya
  3. Malalaman ng bida na ikakasal ang leading lady, sasakay sya ang taxt kahit hindi nya alam kung saang simbahan, matatrapik, at sa oras na sasagot na ng OO ang leading lady, sisigaw ang bida ng "Itigil ang kasal!"
  4. Kikidnapin ang leading lady at alam ng bida ang hideout
  5. Matapos ang madugong bugbugan, malalaman nila sa isang matandang hindi nila kilala na magkapatid sila

Popular Posts