exposure na naman!

Alberto Beronio (di tunay na pangalan), kasalanan mo 'to! Isang kakalurkei na kaepalan na naman ang matutunghayan ng madla na ako'y isabak mo sa inyong proyekto sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Lalabas na naman ako sa TV at ngaun hindi na lang ako hahanapin sa eksena dahil AKO ANG EKSENA! Mula bahay ay inabangan na ako ng staff nyo, kahit bihis na ako ay akting na akting pa rin ako sa eksenang kakagising ko lang. Pagdating namin sa hintayan ng shuttle ay laking taka ng mga propesyonal na nakapila sa Marikina. Akala namang kung sinong artista (ehem!) ang magshu-shooting. Pati mga gawain ko sa buong araw ay nakatutok ang camera. Ultimo pagsubo ko ng pagkain nung tanghalian e dokumentado. Pati sa MRT kasama ko sila. Eksena talaga ito!

Gudlak na lang sa akin kung may ihaharap pa akong mukha.

PS. Lol (sana matagal ang ere at pagusapan natin ang TF!)

Popular Posts