Tuff Payb dose muna

Tuff Payb na reaksyon pag malelate kana:

5. sisisihin mo ung mga tao sa bahay kung bakit dka ginising.
4. hindi kana maliligo or breakfast
3. hindi kna mamimili ng sasakyan. sasabit ka kung posible.
2. tingin ka ng tingin sa relo at galit k sa driver pag nagpagasolina.
1. pagdating sa office proud ka dahil ikukwento mo ang detalye kung bakit ka late.

medyo can relate ako. hahaha...

Tuff Payb na dahilan ng mga mangungutang:

5. kasi nabitin ang budget kundi mapuputulan ng kuryente o mapapalayas.
4. pang-tuition
3. lugi sa sugal
2. maysakit ang isang member ng family
1. para magbayad ng isa pang utang

di ko nagamit ang mga linyang yan!

Tuff Payb turn off sa partner or sa kahit sino

From Nicolehyala:
5. marumi ang kuko
4. nagtitinga or nangungulangot in public - major gross naman ito
3. talsik ang laway at maingay kumain
2. may putok
1. bad breath

From Chris Tsuper:
5. pangit ang buhok
4. bakbak ang manicure
3. baduy manamit
2. maitim o may buhok sa kilikili
1. bad breath