May 16, 2008

may tama ka noh? may tama din ako!


Nagtanong ka pa wala namang epekto
Labas-pasok sa tenga mo kahit anong sabihin ko
Wag na tayong magsayang pa ng laway
Sige na mali na ako ayoko lang ng away

[refrain]
Pero teka lang may sasabihin sana
Kung pwede bang manahimik ka muna

[chorus]
Walang saysay ang sinasabi kaya’t hindi mo mawari
Kung iimik pa ba o mananahimik na lang
At sa tuwing nagpapaliwanag pakinggan mo naman ito
Akala mo’y ikaw lang ang marunong tumama
Paminsan-minsan tama rin ako, may tama rin ako

Nagtanong ka pa wala namang silbi
Wala ka kasing pakialam sa aking sinasabi
Sa susunod wag ka ng magtatanong
Kung may sagot ako o wala parehas rin yun

[repeat refrain and chorus]

May tama rin ako

No comments:

Post a Comment

Be kind to post your insights. Thanks.

Popular Posts