nabalahura na naman ako!

kaninang umaga habang nakikinig ako ng tambalan sa radyo, may binasa si nicolehyala:
good morning nicole at chris, parang ang sarap nyong kausap sa ere. meron po bang opening ng DJ sa inyo? gusto ko kasing dumakdak din e pero di ko naman aagawin ang titulo nyo kasi institusyon na kayo.
e text ko kaya yan nung friday pa! natawa tuloy ako sa FX nung binasa talaga nila yan. sabi nila na salamat daw at tinuturing ko na silang institusyon at isa ako sa mga nagtitiwala sa kanila. kaso magkakaroon lang ng opening for DJ kapag may nag-resign. so sa ngaun e kumpleto pa sila kaya wala silang opening pero kung gusto ko naman daw dumakdak (okrayan mode na ito), pwede ko naman daw kausapin ang basurahan, dadakdak lang naman pala e. o kaya, ballpen, kahit anong bagay or kahit sino kahit hindi ako sasagutin at magmukha akong adik basta makadakdak lang ako.

Popular Posts