Shell Phone repair?


Sino nanood kagabi? Adik ang shell phone repair ni Erebus (Alfred Vargas)! May pa-spark-spark pa sa ilalim ng dagat. Hindi kaya makuryente sila? Saka shell din ang gamit na pang-repair. E di kung pinapaayos nya yun sa mga electric eels edi mas mapapabilis pa ata yun. Kaso mano-mano nya lang ginawa yun.

At nagkita na nga ang mag-inang sirena! Pero di makilala ni Lucia (Jean Garcia) si Dyesebel kasi nga may lumot ito sa mukha. Hindi pa rin nawawala ang mga alaala ni Lucia mula nung mapadpad sya sa lupa. Exciting na ito mamaya kasi magkakasama na sila sa iisang bahay!!!