bakit ba ang dami kong tanong? ang kulit ko talaga!


bakit may traffic enforcer sa may traffic lights?
bakit kapa sumiksiksik kung alam mong masikip?
bakit utang ka nang utang wala ka namang pambayad?
bakit ayaw mong magtanim kung gusto mong may makain?
bakit ayaw mong uminom kung nauuhaw ka na?
bakit ka kain ng kain kung ayaw mong tumaba?
bakit ayaw mong magpahinga ngayong pagod ka na?
bakit ka pa nagtatagal pero ayaw mo sa sistema?
bakit ka puyat nang puyat pero inaantok ka na?
bakit ayaw mong magmadali kung ayaw mong mahuli at mapag-iwanan?
bakit ka nakatunganga kung nababagot ka na?
bakit ayaw mong subukan para makita ang resulta?
bakit ka pa nagrereklamo kung natanggap mo na?
bakit ba gusto mo laging gawin ang bawal?
bakit ka ba anak ng anak kung di mo naman kayang buhayin?
bakit ipipilit mo ang iyong sarili kung hindi mo naman kaya?
bakit pag sinabing liberated, dapat ba hindi na virgin?
bakit ang daming disenyo ng damit pero kita pa rin ang balat ng mga modelo nito?
bakit gusto mong nasa uso pero ayaw mo namang gayahin ka?
bakit ayaw mong makinig kung gusto mo ring pakinggan ka?
bakit ayaw mong mag-aral kung gusto mong matuto?
bakit pera lang ba ang sagot sa lahat?
bakit ka naastigan sa mga elemento ng demonyo kung alam mong masama ito?
bakit ayaw mong lutasin ang iyong problema?

bakit ba ang dami kong tanong?