orchestrated ang mga ubo



ayun, nagsimula lang ang ubo ko from a simple "samid." i tried to cure it temporarily with strepsils pero d sya gumaling. then a lot of water. nagtry din ako ng mga cough syrup. hirap talaga!

nagpa-checkup ako finally and sabi allergy lang daw ito saka nasa climate change din kasi kaya daw lumala. nag-take ako ng meds. gumanda naman pakiramdam ko in a week pero bumalik na naman sya.

ang malala pa, ngayon marami na may ubo sa office. orchestrated na nga sabi ko ang mga ubo namin. minsan duet, quartet, hanggang minsan sabay-sabay pa kame. haaay... kelan kaya ito gagaling?!

Popular Posts