Pinakamatakaw na Weekend... yet

last friday pag-uwi e wala palang dinner sa bahay. pero nakakain ako ng happy meal sa mcdo before umuwi. btw, i got the HuanHuan, JingJing and Nini toys. dahil bitin, ang salubong ni mama e dala na daw nya yung Palm Card from Pizza Hut na matagal nyang hinihingi sa kumare nya. and since mejo nawiwili ako sa pagpapa-deliver, ayun, nag-share kame ni mama sa bayad.

umorder muna kame ng Super Supreme at may libreng Pepperroni kasi nga may Palm Card kame.

nung Saturday naman pagkasimba namin sa Sta. Lucia e nag-dinner muna kame sa Mang Inasal. eat all you kanin! Pecho ba naman ang orderin namin e talagang mapapakanin ka talaga dun. ayun, solb! tapos panoorin nyo pa yung mga TVC nila sa branch. Alamin ang secret ng Special Chicken Sauce sa website nila.

next day e dumating ang ate ko at saka anak nya. for merienda, e umorder ulit sila sa Pizza Hut pero Cheesy Pops naman ang inorder nila. again, Pepperoni Pizza ulit yung kasama kasi un ung Pizza of the Month nila.

kahapon naman dahil wala namang pang-lakwatsa, sa bahay lang ako. Pininyahang Manok (Ohmski style) ang niluto ko. ayun, wala pang 1hr, ubos na! hahaha...

sinusulat ko ito habang nagtatanghalian.