Ang liit na ng burger sa McDo



kumain ako kanina sa McDo Dela Costa at umorder ng regular burger. dahil na rin merong coupon for upsize Coke and fries, inavail ko na rin yun para may pandagdag laman ng tiyan. pero pagharap sakin ng burger, nagulat ako sa aking nakita: ANG LIIT! malaki pa ata palad ko saka mas makapal pa ang 4 na daliri ko. buti na nga lang e may upsize na fries and drinks kaya medyo nakuntento ako sa kinain ko. kung kasing ganda lang nung burger na kinain ko yung nasa picture, hindi ko maookray ang McDo. kala ko sabi ni GMA na walang shortage sa mga pagkain e bakit nanliliit ang mga burger ngayon, tapos ang mahal-mahal pa!

saka nga pala, ang ganda ng sounds. sana maglabas ang McDo ng CD na collection nila nun. kasi pagpasok namin Disturbia ni Rihanna ang tugtog. muntik na ako mapa-party sa loob. lol. tapos naging Chris Brown at yung mga sumunod hindi ko na alam, pero magaganda naman lahat. yung tipong may binebenta diba sa Starbucks na Bossa CD? sana may ganun din sa McDo.*

*as if naman bibili e hari nga ng download ang nagsulat ng post na to.


Powered by ScribeFire.

Popular Posts