October 31, 2008

tignan ko nga kung alam nyo ang mga ito

mga naririnig ko sa mga matatanda, lalong lalo na sa mama ko. minsan kasi may pinapakuha sya sakin sa eskaparate, estante at pasimano. e nosebleed ako dun pero minsan gets ko naman agad. ang galing galing! matanda pa nga ata sa kanya tong mga salitang ito. mga karaniwang makikita ito sa bahay ng mga karaniwang mamamayan. di pa uso ang bahay na bato nun. yung pag gising mo sa umaga at pupunta ka sa may banggerahan para maghilamos ay napakasarap ng simoy ng hangin. ang gawain ko naman ay pumunta muna sa kasilyas para umihi (uy, clue na yun!). ay iinom ng kape at uupo sa may pasimano at tatanaw ng malayo.

banggerahan
estante
eskaparate
pasimano
batalan
kasilyas
pasilyo

alamin ang mga sagot dito:

* hallway
* window pane
* paliguan
* lababo
* cupboard (2 yan)
* comfort room

7 comments:

  1. nosebleed nga. isama mo pa ang tarangkahan at asoteya. panalo di ba? :)

    ReplyDelete
  2. hi gentle. thanks for visiting. yeah, naalala ko yang tarangkahan na yan. anu nga ulit yun?

    ReplyDelete
  3. mas class naman sa ears yung kasilyas kesa kubeta. hehehi

    ReplyDelete
  4. hahaha... oo nga, mas mabaho sa pandinig ung kubeta.

    ReplyDelete

Be kind to post your insights. Thanks.

Popular Posts