bakit may MMDA Art?

marami na ang nakapag-post tungkol dito.

nagtaka cguro kayo na biglang naging abstract museum ang buong Metro Manila noh? agaw-pansin talaga ung mga makukulay na
likha ng mga pintor ng MMDA. sa kanila sisi e obvious ba? sa isip-isip ko, tama nga naman, alisin ang mga vandal sa mga dingding sa kalsada. para naman kahit papano may kaaya-ayang nakikita sa lansangan hindi ung mga @$#*^ na hindi ko na rin mismo maintindihan.

pero ok naman sya tignan diba? pagdating mo nga ng Marikina iba na sya e, FLOWERS NA! ganun din naman ang objective nito, itago ang mga vandal sa dingding. pero may iba pa akong pwedeng idagdag sa objectives nya:

i-develop ang mga utak ng mga bata (pati na rin ang ibang nakakakita nito) sa pagtangkilik sa sining, abstract reasoning, at iba pang skills na ginagamitan ng utak. ewan ko lang sa inyo ha, pero kapag tinitignan ko ung mga MMDA Art, minsan nag-iimagine na lang ako ng mga bagay na pwede i-associate sa MMDA Art. kapag puro bilog, iniisip ko, mga ulo ng tao. may malaki, hydrocephalus, shy type (maliliit). kung puro squares, bahay. pag triangles, mga bundok. o dba? mantakin nyo may ka-weirdohan talaga ako. hahaha

pero marami pa ring kritiko ang MMDA. sorry idol ko si BF kaya ganun nalang ang tuwa ko na nanalo sya sa Duets. lol pero bakit kaya taung mga Pilipino pag kapwa Pinoy ang gumagawa ng ikagaganda ng lipunan natin, pilit nating binabagsak? tignan nyo ung litrato sa kaliwa, maganda dba? pati ang pagkakagawa. pero ang pinapakita e isang elemento ng kaguluhan sa kanilang lipunan, mala-demonyo pa nga ang itsura nyan. pero bakit sa atin, ok naman ang mga hugis pero bakit natin binibigyan ng masamang puna?

Popular Posts