Survivor Philippines: Sino ang tunay na "Naak?"

NAAK (Thai. snake)

sino pa? e di si Marlon! eto ebidensya:

tongue-out talaga! smelling hot blood.

nakakainis ang mga ginagawa ni Marlon these past 2 episodes kasi nabilog nya ulo ng mga naiwang Naak na sina Kaye at Cris. ang galing! tapos nagatungan pa ng remaining Jarakay girls. umalis kasi sina Jace, Kiko, Zita at Rob after the auction last Monday. they went to another island to spend time with a Thai family. clash of cultures ito at mukhang masaya naman ang naging experience nila. pero kumpyansa pa rin ang 4 na gagawa ng paraan para may matuklaw ang "ahas."

napapag-isip na sina Cris at Kaye (natuksong Adan at Eba) dahil natanto nila na meron ngang nagdidikta sa kanilang mga desisyon kumbaga parang wala silang "say" sa laro. gusto ni Kaye na kung boboto sila ay bilang mga tao at kanya-kanyang desisyon kung sino ang susunod na papatalsikin. dahil oo nga, pano kung 6 na silang Naak at dumating sa punto na hindi sila ang nananalo sa Immunity? eto ang entrada ni Marlon para bilugin ang mga utak nila. nabunyag pa ang dating plano na "for the boys" kaya napapag-isip n nga itong si Kaye.

galing mo, Marlon! <--- hindi ako fan ha. magaling ka lang talaga maglaro. may tama ka, lahat kayo, naglalabanan para sa Php 3M, hindi para sa ikasasalba ng isang tao.

Popular Posts