my Christmas so far

although i haven't got to attend even one Simbang Gabi, i think i had the best Christmas yet!

after i had done my last minute Christmas shopping, i realized that i still have money on my ATM unspent! pero syempre titipirin na rin before New Year. kelangan kasi mapera ka pagpasok ng taon and sabi din sa isang feng shui interview na wag gumastos on the first week of the New Year. and maganda itong 2009 para sa mga taong born on the Year of the Rat. anung swerte kaya naghihintay sakin? career na sana ito. sana pati "karir" hehehe...

last Christmas, i spent the night with my elementary classmates, waaahhh namiss ko sila kahit wala ang isang taong namiss ko talaga. hehe... pero ok lang. nandyan naman si kumpareng Sun para may katawagan ako at katext. kaso mahirap umuwi kahit pwede na lakarin from Starbucks Marquinton ang bahay namin. madami nang tao, umuulan pa! nasan na kaya ang digital shots namin from Mark's and Anne's DSLRs? comment naman kayo dito para malink ko yung uploads nyo.

speaking of uploads, hirap talaga pag walang PC sa bahay. dko maupload ung mga pics sa cp ko. gusto ko sana ishare sa inyo ung mga gifts sakin.

and on the 26th, as i've said previously, nagcheck-in kame ng family sa Crowne. isang sosyal na overnight ito at nagsawa din ako sa Galleria. nakita ko pa si Jace Flores from Survivor Philippines. (hanggang dito ba naman, SP pa rin nasa utak ko? haha) the food was on them kasi the hotel was on me. gastos no?

then later the next day, pagkacheck-out namin sa Crowne, drecho naman ako sa Global City para imeet naman ang officemates ko at baby shower ng isang balahurang nagngangalang jowesh. ayun, bilog na bilog ang tiyan at hinala kong lalaki ang lalabas. pero anyway, niregaluhan ko nalang ng damit at medyas ang bata para may laban sa ginaw paglabas nun.

feeling sosyal still at nagfifirst-time sa Serendra (bigkasin na parang may bweysesh sa ngala-ngala) at Bonifacio High Street, muntik ko nang mwala ang 2 kong phone. buti nalang may nagsurrender ng kaawa-awa at nakakahiyang cellphone ko sa counter sa Starbucks sa Fully Booked. to Abby and Mikka na nakausap ko, GOD BLESS YOU (mga staff ng starbx).

of course, pictures to the max kahit 12 na umalis ng Global City at nakumpleto na nina rio at alex ang kanilang stickers. naghihintay na lang sila ng january para masulatan na ang mga bagong planner.