Commercials vs TV shows

bakit minsan mas maganda ang mga commercials kesa sa TV shows? kaya nga ako nag-advertising nung college kasi nakaka-inspire ung mga concepts like Lumen, Karen, Smile, Magpakatotoo Ka, etc. e pag TV shows naman aabot pa tayo sa pang-ookray ng mga talents, settings, computer graphics, at special effects. e ang commercial, ilang segundo lang, paulit-ulit pa. pero wag ka, manghang-mangha naman tayo. tulad nitong bagong commercial ng Milo na napanood ko sa isang site.

o diba ang ganda? pang-champions talaga ang quality. sa TV shows naman maghihintay na lang tayo ng pagtatawanan o kakainisan. ang tagal tagal pa minsan ng transition porke mataas daw ang rating kaya kelangan patagalin pa ang story kaya minsan wala nang saysay sa kwento.

kung ako papipiliin, e di nag-congressman na ako. uyyy, kumanta. haha. GUSTO KO NA TALAGA magtrabaho sa industriya na dapat nandun ako. although masakit talaga sa ulo ang pagkokonsepto (trust me, naranasan ko yan nung college, daming issues!) tapos ilang segundo lang lalabas ang konsepto mo. eto pa, ang laki ng pera sa advertising ata! dami pang perks! hahaha yun un e.

pero sana dba mas maganda sana ang mga produkto sa TV kasi yun naman talaga inaabangan ng mga tao. e sales naman lang ang habol ng mga ads or retentiveness on the minds of the purchasers, consumers, etc. tapos nasspoof pa kaya lalong mas sikat ang mga commercials kesa sa TV shows. tapos nagkakaroon pa ng issues on copyright and intellectual property ek ek.

anung konek ng Milo commercial? wala lang. laking Milo din kasi ako e. pero gusto ko ding maging laki sa gatas. haha

Popular Posts