naholdap ako but dont be a victim

mahabang istorya at nakakainis pang ikwento ko dito dahil ayokong mainis at malungkot na naman.

kahit mga taong di mo pagsususpetsahan e titirahin ka rin pala. nagsimula sa tamang pagpapakilala at kunwari ay gagawa ng istorya. na-hypnotize siguro ako at nakapagbigay ng ilang impormasyon tungkol sakin at ganun din ang ginawa nya.

walang pinalampas: wallet, bag, cellphone, bagong biling gamit. nashock ako kaya di ako nakalaban. malay ko rin ba na kahit mag-isa lang sya e may backer na aalalay kung sakaling manlaban ako.

d naman ako nakapalag dahil sa sitwasyon. madaling sabihing "sana ginawa mo 'to, sana ginawa mo ganyan..." kahit ako nagbigay din ng advise na ganun sa ibang taong nabiktima.

kaya yun, nagsisimula ulit ako sa simula.

may karma ang mga ganung tao. sana pagsakluban sila ng langit at lupa. isang malaking sumpa ang kapalit nun.

kung may kilala kayong isang lalaki na may braises, may hikaw sa kaliwang tenga at kilay, may taas na 5'4" hanggang 5'6" malinis pumorma, may onting katabaan. may press release na Carlo, 27, nakatira sa isang kalyeng may pangalan ng isang santo sa Mandaluyong, tga-call center. paki bigyang-alam na lang po sa kinauukulan.

maraming salamat nga pala sa mga kaibigan kong sumaklolo sa akin nung gabing yon. kayo ang dko mapapalitan.

kung sakaling may numero pong magtext sa inyo na gamit ang 09185903704, paki disregard nalang po dahil baka kayo naman ang mabiktima ng taong halang ang bituka.